Kailan mo huling naramdaman na ika'y malakas?
natutong lumaban upang ang mga bisig na'y makaalpas.
Pinipilit, ginugula-gulanit, nagpupumiglas,
baka nga, sana balang-araw makalaya na sa rehas.
Minsan ka ng muntik sukuan, minsan ka ng kinalimutan,
ikinulong ng iba't hindi tinangkilik ng karamihan.
Walang nakarinig, hindi inabot ang kamay,
pagkat nagbingi-bingihan, hindi pinansin, dahilan upang magbuwis-buhay.
Ang bakas ng kahapo'y kaypait nang ipaalala,
kasaysayang naganap para sa ikabubuti'y ating tinatamasa.
Hindi naging madali upang makamit, makamtan,
hindi naging biro ang pasakit para sa wikang minamahal.
Wikang Filipino na ngayo'y mayabong,
tinataglay ang iba't ibang katangiang dati-rati'y ibinaon.
Wika, sana ika'y kumawala at tunay ng malaya
Sapagkat kaming mga Pilipino'y hindi na hahayaang tawagin kang "Wikang Nakabartolina".
Sanggunian ng Larawan:
https://www.altermidya.net/wika-sa-loob-ng-manila-city-jail/
No comments:
Post a Comment