Friday, October 25, 2024

SOCIALIZATION AT WELCOME PARTY

Magandang araw!

    Nitong Oktubre 23, puno ng saya ang aming naging socialization activity sa College of Teacher Education. Subalit, pagdating ng Oktubre 24, 2024, tila nag-iba ang takbo ng aming mga araw. Nagising kami sa malamig at madilim na umaga, bunga ng isang buong araw na pagkawala ng kuryente. Dahil sa oras ng aming pag-uwi mula sa swimming ay wala nang masakyan pauwi sa boarding house, minabuti kong tumuloy sa bahay ng aking nobya. Nagbigay ito ng pagkakataon para makasama ang kanyang pamilya at magpahinga mula sa kasiyahang nagdaan.

       Habang umuulan at tuloy-tuloy ang bagyo, wala kaming ibang ginawa kundi magtawanan, magharutan, at magkwentuhan. Nakaramdam ako ng kapanatagan; kahit nasa labas ang unos, kami ay ligtas at masaya sa loob ng kanilang tahanan. Maraming alalahanin ang nawala sa aking isip sa gitna ng mga simpleng ngiti at tawa, at naramdaman ko ang init ng kanilang pagtanggap at pagkalinga.

   Noong magtatanghali na, nagpasya akong bumalik sa aking boarding house. Pagdating ko doon, sinalubong ako ng katahimikan ng lugar—walang kuryente at tila nananatiling malamlam ang paligid, kaya hindi ko na-upload agad ang mga nangyari sa nagdaang araw. Sa mga sandaling ito, naiisip ko ang halaga ng pagkakaroon ng pamilyang kaagapay at masasandalan sa gitna ng bagyo—isang tunay na biyaya.

   Muli, maraming salamat sa inyo! Mag-ingat tayong lahat, at patuloy na magdasal para sa kaligtasan ng bawat isa.

No comments:

Post a Comment

PASKONG WALANG SAYA