Sunday, October 20, 2024

PAGHILOM



   Darating ang panahong hindi ka na tulad ng dati,

hindi ka na nagmamakaawa't ibinibigay nang buo ang sarili.
Wala ka ng ninanais kundi katahimikan,
hindi na hahayaang magpadurog pa sa nakaraan.

Sa paglipas ng mga sugat nang nakaraa'y batid kong ika'y lumuha,
sinugatan ng mga sandali't pinabayaan, binalewala.
Walang ibang lumapit, walang nagbakasakali,
walang nangahas magtanong, kahit ang sagot ay pagtanggi.

Naranasan mong tanggihan ng panahon,
tinalikura't pinabayaan ng iyong malapit na relasyon,
hindi pinansin, tila ba'y mga pinagsamaha'y basta ibinaon,
subalit siguradong muling aahon.

Sa bawat pagsapit ng dapit-hapo'y hindi inapuhap,
kahit ni isa'y walang nagnais humawak, lumingap,
Maraming tumanggi, humawak subalit binatak,
batak sa pag-alis, iniwa'y mabahong halimuyak.

Ngayong ika'y nasa kabanata na naghihilom na,
nawa'y hindi na maranasanang muli na magmakaawa pa.
Hindi na hahayaang durugin, wasakin at bigyan ng pasakit,
wala ng makahahawak sa pusong nakaranas ng inam na pait.


Sanggunian ng Larawan:
https://open.spotify.com/album/6fD7CeA0LvVHqvcs8zaX3a

No comments:

Post a Comment

PASKONG WALANG SAYA