Sunday, October 20, 2024

GURO LANG?

Tila isang talata sa tulang may malalim na tayutay,

Sinusulat ng may akda at ang imahinasyo'y binibigyang buhay.
Hindi pinalalampas ang bawat salita't parirala upang ang mga ideya ay manalaytay,
maibahagi sa iba ang karunungang tinataglay.

Katulad ng tulang may angking lalim at indayog,
Kayong mga guro ay dumarating din sa puntong lubhang napapagod,
bakas sa mga mata kahit sa mga ngiti ay itago,
subalit, salamat sapagkat ang sakripisyo nyo'y hindi mababago.

Bawat karununga'y aming sandigan,
bawat natututuna'y bao't kailangan,
bawat pagpupugay sa paghihirap ay karangalan,
dahil ikaw ay guro, mahusay na sandalan.

KAYO AY GURO, hindi 'guro 'lang'.
Gurong bawat sakripisyo'y hindi kayang tawaran,
Huwag matahin, huwag maliitin, pagkat ang 'guro lang' na sinasabi ng iba'y hindi kayang basagin.


Sanggunian ng Larawan:
https://dagupan.bomboradyo.com/hinihinging-pagtaas-sa-sahod-ng-mga-guro-pinag-aaralan-na-ng-department-of-education-at-department-of-budget-and-management/

No comments:

Post a Comment

PASKONG WALANG SAYA