Tuesday, October 15, 2024

DULANG PANRADYO SKRIP: SUGAT NG PAMILYA

Pamagat: "Sugat ng Pamilya"

Pormat: Dulang Panradyo

Durasyon: 10 minuto

Manunulat/Prodyuser/Direktor: Geizel/Richard  

Mga Tauhan: Gyphsia Rabosa - Teknikal 

                         Richard Hemor bilang Fred (Tatay)

                         Geizel Frane bilang Veena (Kabit) 

                         Vilmalyn Basilan bilang Helen (Nanay) 

                         Janna Cuevas bilang Trina (Anak) 

                         Nova Vertucio bilang Jena (Anak) 

                         Wilbert Padua bilang Tan



Scene One: Sa lood ng Radio Station

MUSIC: FADE UP “WHAT DO YOU MEAN” for 7 seconds 


MUSIC: FADE OUT 


DJ CHAD: (energetic) Isang ey muna dyan sa ating mga ka-EyDUC sa iba’t ibang panig ng bansa! Nagbabalik nanaman po ang paborito niyong istasyon ng pagmamahal, pangarap, pamilya, pag-asa at karunungan kung saan tayo ang bida! This is DJ Jen, solid magpasaya, magpakilig, magpatawa at maglingkod kasama niyo araw-araw. 


MUSIC: FADE UP “WHAT DO YOU MEAN” for 4 seconds 


DJ JAM:  Ayan, mga EyDUC, isang kwento nanaman nga po ang matutunghayan natin na sumesentro sa pamilya, tiwala at pagpapatawad syempre. Hindi naman nawawala iyan dahil parte iyan ng pagiging tao. Oh naks naman. May pa segue si DJ Jam. 


SOUNDS: LAUGHING 


DJ JAM: Alam ko katulad ko ay excited na rin kayong mapakinggan ang kwento natin ngayon, kaya naman, huwag na nating patagalin pa mga ka-EyDUC. Eto na at matutunghayan natin ang kwento ng pamilya ni Fred at kung paano nila hinarap ang pagsubok sa kanilang buhay. This is EyDUC Radio Drama presents “BITUWIN SA LANGIT.”


SOUNDS: DESIGN INTRO 


Scene Two: Sa loob ng bahay

SOUNDS: (Tilaok ng Manok) 

Helen: (Pasigaw at may tunong galit) Jena, Trina, gumising na kayo diyan. Malapit na dumating ang inyong ama. Ang dumi-dumi pa ng bahay, alam naman ninyo na ayaw nun ng makalat. Tumayo na kayo riyan at ako'y inyong tulungan. 


Jena: (Aburido) Opo Nay, babangon na po. 

Trina: (Naiirita) Anu ba yan ang ingay- ingay naman. 

Jena: Ate, gumising ka na nga dyan. Sasabihin kita kay tatay na nagpuyat ka na naman kagabi. 

Trina: (Pabulong) Shhh,  baka marinig ka ni nanay. Oo na ito na babangon na.  Napakadaldal mo talaga. 

(Lalabas na ang dalawa sa kwarto) 

SOUNDS: Pagbukas ng pinto

Helen: (Masungit) Buti naman at naisipan nyo pang bumangon, maghilamos muna kayong dalawa. May mga panis na laway pa kayo sa bibig.

Trina: (Kaagad na haharap si Trina sa salamin) Nay naman! Wala naman ih. 

Jena: (Tumatawa) Uto-uto ka talaga ate. 

Trina: Chee, ikaw talagang bugwit ka. Hindi ako ang may panis na laway pero ikaw meron,  iwww kadiri. 

Helen: Oh sya tama na yan. Maghilamos na kayo at maglilinis pa. 

Trina at Jena: Opo nay

Sound: (bukas ng pinto)

Fred: (Masaya) Nandito na ako. Hi mahal, asan ang mga bata. 

Helen: Oh mahal, nandyan ka na pala. Andun sa kusina, pinaghihilamos ko dahil kakagising lang nila. Oh anu na naman yang dala mo. 

Fred: Ah eto, paborito nilang ice cream. Nadaanan ko kasi yung paborito nilang ice cream shop kaya naisipan ko na rin na bilhan sila. 

Helen: Naku, ikaw talaga lagi mo na lamang iniispoiled mga anak mo. Kaya nasasanay na lagi kang may dala tuwing uuwi ka e.

Fred: Hayaan mo na mahal. Para naman to sa kanila. 

Jenna: Nay, nay,  si tatay na po ba yan? 

Helen: Mga anak mo nga naman nakarinig lang ng ice cream ikaw na kaagad ng bukambibig. 

Fred: Mga anak,  si tatay nyo na to. Hali na kayo at ako'y may pasalubong sa inyo. 

(Kaagad na pupunta sa sala ang dalawa) 

Trina: Mano po tay. 

Jena: Mano po tay. 

Fred: Kaawaan kayo ng Diyos. Kababait naman ng mga anak ko. Oh eto paborito ninyong ice cream. Paghatian na ninyo iyan.

Jena: Yehey!  Salamat po tay. 


MUSIC:  (Story telling sound) NARRATION BACKGROUND, 4 seconds 

MUSIC: FADE Out


DJ Jen: DJ Jen, itago niyo na lamang ako sa pangalang Fred. Sa simula ay masaya ang buhay ko kasama ang aking asawa na si Helen at ang aking dalawang anak na si Trina at Jena. Simple lamang ang buhay namin, nakakakain ng tatlong beses na kahit payak lamang ang pamumuhay ay nagiging ayos na basta’t magkakasama. Puno ako ng pangarap para sa pamilya ko pero… lahat ng iyon ay nagbago…


Scene Three: Sa loob ng bahay

Sounds: (Madamdaming tagpo)

Helen: Fred, may problema ba?

Fred: Mahal, nagkatanggalan kasi sa trabaho kanina. Kaya ayun kasama ako sa mga natanggal. Sinubukan ko naman kausapin kaso wlaa talaga. 

Helen : Panu na tayo nyan?  Saan na tayo kukuha ng pang-araw-araw nating gastusin. Nasa private pa ang ating mga anak kaya kailangan na kailangan din natin ng pera. 

Fred: Hindi ko na nga rin alam kung paano tayo ngayon eh. Susubukan ko na rin magapply sa iba para magkatrabaho. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula lalo’t doon lamang naman tayo kumukuha ng pera para may panggastos tayo sa araw-araw.

Helen: (May pag-aalinlangang pagsasabi) Ma-mahal,  p-panu kung bumalik na lang ako sa pagtatrabaho ko sa casino? Alam mo namang malaki-laki ang kinikita ko doon.

Fred: (Gigil) Naririnig mo ba yang sinasabi mo Helen. Hindi!  ako ang padre pamilya, ako ang magtatrabaho.  Dito ka lang sa bahay. 



MUSIC:  NARRATION BACKGROUND, 4 seconds 


DJ Jen: DJ Jen, sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko'y parang ang buong mundo ay bumagsak sa aking mga balikat. Ang pagkatanggal ko sa trabaho ay hindi na lamang nangangahulugang pagkawala ng kita, kundi pati na rin ang panghinaan ng loob sa aking kakayahan na suportahan ang aking pamilya. Ang bawat araw na lumilipas ay tila mas nagiging mabigat at mahirap para sa akin. Ilang trabaho na rin ang tinanggihan ako at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang aking sitwasyon. Nag-inom ako nang nag-inom, gabi-gabi nagpakalango sa alak upang doon na lamang ituon ang aking oras kesa sa pag-iisip, hanggang isang araw…

MUSIC: FADE OUT


Scene Four: Sa inuman

Sounds: (Nag-iinuman)(Disco)

Veena: (Lulong sa alak) Whoo! Ihataw natin to! Yeah! Hi! Ako nga pala si Veena!

Fred: Uy hi!

Veena: (Seducing) Mag-isa ka ata,  wala ka bang kasama o ako pwede mo bang samahan? 

Fred: Ahh… Meron may pinuntahan lang, siguro paparating na rin yon.

Veena: Gusto mo bang samahan kita habang wala sya? Magkwentuhan muna tayo!

Fred: Sure! 


MUSIC:  NARRATION BACKGROUND, 4 seconds 


DJ Jen: DJ Jen, simula ng gabing iyon na nakilala ko si Veena ay hindi na ako mapakali, lagi ko syang iniisip, at unti-unti na ring nahulog ang loob ko sa kanya.

MUSIC: FADE OUT


Scene Five: Sa School

Tan: (Sumisigaw) Trina, trina! 

Trina: Oh Tan, anu ba yun at bat may pagsigaw ka pa?

Tan: Ahhh… Eh… .Ih…. 

Trina: (nang-iinis) Oh anu yang ginagawa mo bat nagaaehih ka jan gusto mo ba bumalik ng elementary 

Tan: Baliw,  hindi kasi ano. 

Trina: Kasii? Sabihin mo na kasi, nangbibitin ka pa. Anu ba kasi yun? 

Tan: (Pabulong) Kagabi kasi napadaan ako dun sa may kanto yung mga nag-iinuman tapos nakita ko dun yong tatay mo. 

Trina: Oh! Para namang bago yan eh simula nung nawalan ng work yon lagi na lang inom ang inatupag, ni hindi na nga kami makamusta ng kapatid ko!

Tan: Daming sinabi, Hindi yun!

Trina: Eh anu nga kasi?

Tan: Nakita ko dun tatay mo may kasamang ibang babae,  sobrang lapit pa nga ehh parang naghahalikan na. 

Trina: Anu? Tan wag kang nagbibiro. Lasenggero lang tatay ko pero di nun lolokohin ang nanay ko. 

Tan: Pero yun nakita ko. Alam mo naman na di ako magsisinungaling sayo diba? 

Trina: Totoo ba yan? Hindi ako maniniwala hanggat hindi ko nakikita, hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa tatay ko!


Scene Six: Sa bahay

Sounds: Tugtog ng Bini (Tinuturuan ni Trina ang kanyang kapatid na sumayaw ng pantropiko)

Trina: Jena, ayusin mo kasi kembot ng bewang mo! Naiinis na ako!

Jena: Ganito ba, Ate? Hindi ko naman magawa nang maayos!

Trina: Hindi, hindi ganon! Ang pangit ng galaw mo! Hindi mo talaga nakukuha!

Jena: (Sumisigaw) Ano bang gusto mong gawin ko? Hindi ko nga alam!

Trina: (Sumisigaw din) Kasi nga hindi mo siniseryoso! Kung gusto mong matutunan ito, kailangan mong makinig!

Jena: (Tumatangis) Kasi ang hirap, Ate! Hindi ko kaya!

Trina: Kung gusto mo manalo sa contest bukas, ayusin mo

Sounds: (Pabukas na bigla ng pinto) 

Sounds:(Intense Music)

Fred: (Pasigaw at lasing) Bakit ang ingay-ingay nyo ha!  Pakinig na pakinig kayo sa kapitbahay!  Ikaw, Trina kung anu anu tinuturo mo sa kapatid mo! Walang sasali ng contest!  Tigilan nyo ang mga walang kwentang bagay na iyan!  Wala kayong pangarap dyan! 

Trina: (Pabulong) Eh ikaw nga wala ka ng ginawa kundi uminom nang uminom.  

Fred: Anung sinabi mo!  Halika nga rito!  Hoyyyy!!  Wala kang modong bata ka,  wala kang galang.  Kung hindi dahil sakin hindi ka nabubuhay ngayon!

Trina: Bakit, kasalanan ko ba na binuhay ako?  Kasalanan ko ba na may tatay akong isang lasinggero! Kasalanan ko bang may tatay akong hindi ginagawa ang responsibilidad na dapat ay gawin imbis na si Inay?

Sounds: (Sampal)

Trina: (Iiyak) 

Fred: Bastos kang bata ka! 

Jen: (Umiiyak)  Tay,  tama na po 

(Dadating si Helen) 

Helen: Anong ginawa mo Fred, bakit mo sinaktan ang anak mo? 

Fred: Wala akong anak na ganyan ang ugali!

Trina: (Gigil) Wow tay! Ang linis mo naman. Akala mo hindi ko alam na may babae ka, nung una di ako naniniwala na magagawa mo sa amin yun e, pero nung nakita kita at ang babae mo kinamumuhian na kita! 

Helen:  Pasigaw) Anung pinagsasabi mo Trina? Totoo ba to, Fred? Sabihin mo,  totoo ba ang sinasabi ni Trina.! 

Fred: Oo!  Oo,  may babae ako. 

Sound: Sampal

Helen: Walang hiya ka! Bakit mo to ginawa sakin(umiiyak)

Fred: Ano sayo kung may babae ako? E ikaw na asawa ko, wala ka namang ginawa kundi araw-araw akong sisihin dahil wala akong trabaho! Bakit, ginusto ko ba yon? Ginusto ko bang kahit makailang beses na akong nag-apply, naghanap ng trabaho para lang palamunin, pakainin at buhayin yang mga bastos mong anak ay wala pa ring kumukuha sakin? Hindi ko ginusto yon Helen!

Helen: Oo hindi mo nga gustong mawalan ng trabaho! Pero yang pambababae mo? Yan ang ginusto mong gawin kaysa alagaan na lang ang mga anak mo rito sa bahay habang ako inaabot ng hating-gabi para lang matustusan ang pang-araw-araw nating kinukunsumo na dapat ikaw ang gumagawa!

Fred: Puro problema na lang ang bahay na to!  Pakiramdam ko wala na akong kwenta! Siya lang, siya lang ang pumiling intindihin ako! Bakit akala mo ba kung sino kang malinis?  Akala mo ba hindi ko alam na bumalik ka na naman sa casino. Para anu? Para lumandi?  

Helen: Ang kapal ng mukha mo! (iiyak)  Oo, bumalik ako sa casino hindi para lumandi kundi para kumita dahil wala kaming mapapala ng mga anak mo sayo. Tapos malalaman ko nambabae ka lang. Ngayon,  pumili ka yang babae mo o kami ng mga anak mo! 

Fred: Mga Hayop!  Makalayas na sa impyernong buhay na to. 

Sounds: (Lagabog ng pintong isinara)


MUSIC:  NARRATION BACKGROUND, 4 seconds 


110 DJ Jen: DJ Jen, Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon, pakiramdam ko’y napakasama kong tao. Takot akong aminin sa sarili ko na nagkamali ako. Ni hindi ko na rin makilala ang sarili ko.  Grabe na pala ang naidulot sa akin ng pagiging lulong sa alak at ang kawalan ng pag-asa. Lumayo ako sa pamilya ko at pinatunayan na kaya ko kahit wala sila. Hanggang sa nagkatrabaho ako kung saan nagtatrabaho din si Veena. At ipinagpatuloy ko ang pakikipagrelasyon sa kaniya. 

MUSIC: FADE OUT


Scene seven: Sa trabaho

Veena: Baby, kumain ka na ba? 

Fred: Hindi pa nga eh, ikaw ba?

Veena: Ahmm…  Hindi pa nga din ehh. 

Fred: Tara kain tayo sa karenderya.

Veena: Huh!  Sa karenderya mo talaga ako dadalhin, how cheap. 

Fred:  Saan mo ba gusto kumain? 

Veena: Gusto ko sa Wolfgang.  Pleaseee

Fred: Sa wolfgang?  Mahal dun diba?  

Veena: Mahal mo naman ako di ba?  Ayaw mo ba?  Wag na lang kung ayaw mo.

Fred: Ah.. Eh Sige na nga. 

Veena: Yeheyyy! 

Fred: I love you! 

Veena: Tara na, nagpareserve na ako. 


MUSIC:  NARRATION BACKGROUND, 4 seconds 


126 DJ Jen: Last ko ng pera ang pinaggastos ko sa pagkain namin ni Veena. Alam kong mahal niya ako dahil sya lang ang nandyan sa tabi ko nung kailangan ko ng karamay. Minsan sa sobra niyang luho ay iyon ang madalas naming pinag-aawayan subalit sa kabila noon ay lagi ko na lang din siyang inuunawa, hanggang sa nagkasakit na ako sa kakatrabaho para lang mabili ang kanyang mga luho. 

MUSIC: FADE OUT


Scene8: Sa bahay

Veena: Oh Fred,  hihiga ka na lamang ba dyan? May trabaho ka pa ah

Fred: Di muna ako makakapasok Veena,  sobrang sama talaga ng pakiramdam ko ngayon. (uubo) 

Veena: Anu ba yan! Panu na yung mga shoppe ko na padating na wala akong pambayad dun. 

Fred: Yan ba talaga mas iniiisp mo kaysa sa akin? 

Veena: Oh eh anu ba mapapala ko sayo kung aalahanin kita,  arte mo. 

Fred: Anung ibig mong sabihin? 

Veena: Alam mo ang bobo mo talaga, di mo magets? Pinatos lang kita kasi may nahuthut ako sayo. 

Fred: Walanghiya ka!  Panu mo nagawa sa akin ito? 

Veena: Simple lang kasi uto-uto ka.

Sounds: Pagsara ng pinto


MUSIC:  NARRATION BACKGROUND, 4 seconds 


DJ Jen: Sa puntong iyon, parang bumalik sa kin ang karma na ginawa kong pag-iwan sa pamilya ko.  Naiiisip ko ang mga panahon na nandyan ang asawa ko na inaalagaan ako tuwing may sakit ako at maging ang mga anak ko. Sana pala ginawa ko ang lahat para maayos ko ang pamilya. Sana pala hindi ko sila iniwan at mas pinili ang babaeng ginamit lamang ko. Lubos ang panghihinayang ko at ang galit ko sa sarili ko. Pero alam kong may magagawa pa ako kaya…

MUSIC: FADE OUT


Scene nine: Sa bahay

Sounds: (Katok ng pinto)

Helen: Jena, buksan mo ng ang pinto. 

Jena: Opo nay. 

Sound:  (pagbukas ng pinto)

Jena: Tay!  (tuwa) 

Helen: Anung ginagawa mo rito? 

Fred: Hayaan mo sana akong magpaliwanag Helen. 

Helen: (Walang gana) Sige, pumasok ka.

Fred: Helen, naparito ako dahil gusto kong humingi sayo ng kapatawaran sa lahat ng sakit na dinulot ko. Sorry sa lahat ng mga maling desisyon ko. Mali na iniwan ko kayo at sinisi sa inyo ang lahat. Patawarin mo sana ako,  Helen. 

Helen : Masakit ang mga iniwan mo sa aming mga salita. Sobrang nanghina ako sa mga ginawa mo. Pero noong umalis ka ipinagdasal ko sa panginoon na sana gabayan ka nya at huwag kang pabayaan. Matagal na rin kitang napatawad. Matagal na rin kitang iniintay na bumalik dito. Pinatawad na kita. 

Fred: Salamat Helen! Alam kong mahirap akong tanggapin muli dahil sa mga nagawa ko sa iyo maging sa aking mga anak pero maraming salamat dahil nagawa mo akong patawarin. 

Helen: Oo naman, Mahal. 

Fred: Mahal na mahal kita Helen

Helen: Mahal na mahal din kita, Fred

 

MUSIC:  NARRATION BACKGROUND, 4 seconds 


159 DJ Jen: DJ Jen, Abot langit ang tuwa ko ng marinig muli ang tinig ng aking pamilya lalo na ang kapatawaran mula kay Helen.  Sa kabila ng mga pait at sakit na naidulot ko ay dito ko lang napagtanto na kahit anung mangyari, ang pamilya pa rin ang ating babalik-balikan. Ang pagpapatawad pa rin ang mananaig sa lahat ng idinulot na sakit. Sukdulan man ang aking nagawa sa aking pamilya Dj Jen, hindi pa rin sila nag-atubiling ako ay tanggapibn. Dito ko na tinatapos ang aking kwento,  gumagalang, Fred. 


MUSIC: FADE OUT

Scene ten: Sa loob ng Station


MUSIC: FADE UP “ What do you mean” for 3 seconds

MUSIC: FADE Out


DJ Jen: At diyan nagtatapos ang ating kwento. Tunay na walang kapantay ang pagmamahal ng isang pamilya. Kaya’t mga ka-EyDUC, huwag nating hayaan ang galit at sama ng loob na sirain ito.  Ang awit na ito ay para sayo!  Kaya kung ikaw man ay katulad ni kuya Fred nawa’y magsilbing inspirasyon siya sa lahat ng haligi ng tahanan. Muli, ito si DJ JEN at ang inyong paboritong istasyon, EYDUC RADIO!


MUSIC: FADE IN WHAT DO YOU MEAN



No comments:

Post a Comment

PASKONG WALANG SAYA