Sunday, November 3, 2024

ARAW NG MGA PATAY

 Nobyembre 01, 2024

           Araw ng mga patay, ang araw na kung saan ay inaalala ang mga namayapang mga mahal sa buhay. Noong araw na iyon ay hindi ako nakapunta sa puntod ng aking ama at kapatid sapagkat nagkaroon ng isang hindi inaasahang pangyayari sa aming tahanan. 

          Ang araw na iyon ay naging malungkot, sapagkat naaalala ko ang mga panahong kasama pa namin sila papa at kuya. Tunay na masakit ang mawalan ng mga mahal sa buhay sapagkat sila ang tumatayong pag-asa mo sa lahat ng bagay, ang kaagapay sa mga problemang nararanasan at katulong kapag ikaw ay nahihirapan. Subalit dahil sila ay wala na, tila ba'y ang buto sa aking balikat ay nabali.

         Namimiss ko sila noong araw na iyon, gusto ko ulit sila makatawanan, makasama at ma-enjoy ang saya ng buhay. 


Sanggunian ng Larawan:

https://c1.staticflickr.com/8/7331/9591005891_17c5687816_b.jpg

No comments:

Post a Comment

PASKONG WALANG SAYA