Bigo ko na sigurong maranasan pa ang mahalin ng aking itinuturing na pamilya pagkat hindi ko maramdaman mula sa kanila ang tunay na pag- ibig. Isinusumpa kong ipinanganak pa ako sa mundong ito na may magulang na iniwan ako at ibinigay sa isang pamilyang pilit akong ikinukulong sa ma- salimuot na buhay. Ayaw kong magalit datapwat ang kanilang pagtrato ay hindi ko na maunawaan pa. Ano ba'ng kasalanan ko? Ano ba ang kailangan ko pang gawin para matawag nilang anak? Dahil hindi ko mawari kung ang mga bagay na nagaganap sa akin ay totoo. Nananaginip ba ako? O pangit na pangitain lang ito?
Nakaupo sa sala, nagpapahinga sapagkat katatapos lamang sa gawaing bahay na inabot na ng tanghali. Pagod na pagod at nais ng pahinga. Nang makita ako ng aking itinuturing na ina na nakaupo, "Oh ano at nakau- po ka lamang diyan?, Wala ka na bang matinong gagawin? Si Jacob napakain mo na ba? Sunod-sunod na katanungan nito kasabay ng panghihiyaw. Tang- ing ang aking naging ganti at kasagutan ay ang pagluha kasabay ng pagpasok sa aking silid. Iniisip ko tuloy kung nakikita ba talaga nila ang halaga ko.
Bakit parang ang lagi nilang nakikita ay ang pagkakamaling hin- di naman sinasadya? Alam ko na hindi ako perpektong anak, subalit ma- katarungan bang ganito ang trato nila sa akin? Walang humpay sa pag iisip ano ba ang nararapat gawin, 'di alintana kung ano pang mangyayari sa mga susunod na araw sapagkat punong puno na ng kabigatan na ana ki'y laging sumusumpong. Tama! Lalayas na lang ako! Ayaw ko na'ng ganitong buhay kung saan parang isinali lang nila sa isang laro na ako lagi ang talo, na ako lagi ang taya sa tuwing kulang sila. Gusto pang lumaban at ipaglaban sila subalit pilit lamang naman akong isinasali. Kasama naman ng pamilya subalit animo'y katulong lang kung ituring. Salimpusa ba ang tawag sa akin?
Sanggunian ng Larawan:
https://www.pinterest.com/pin/561964859732570942/
No comments:
Post a Comment