(Nagsusuka)
(Tatayo) HAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHA!
(Magugulat) teka, nasan ako? HAHAHA!
Anong lugar to? Panaginip ba to?
Buhay pa pala ako? HAHAHAHA
Shhh wag kayo maingay. Baka marinig tayo ng kapitbahay. (Pabulong)
Baka… Baka marinig nila ang boses ko, baka saktan nila ako. (Takot)
Alam mo mapanghusga kasi sila.
Ikaw? Ikaw? Kayo? Baka husgahan nyo rin ako katulad nila. (Paiyak)
Bakit ba ang hirap nilang paniwalaing mayroon akong dipresyon at hindi lang gawa-gawa?
Tulong! Tulong! Tulungan nyo po ako! Hindi po ako ang may kasalanan kung bakit namatay si inay! Hindi po ako ang pumatay!
Parang awa nyo na po!
Pulis! Pulis! Mamang pulis, parang awa nyo na po tulungan nyo po ako!
Hindi po ako ang pumatay sa nanay ko!
WHAAAAA! (huhulihin)
Bakit po ba ayaw nyong maniwala sakin?!
Mahal ko po ang nanay ko. Hinding hindi ko po kayang gawin sa kanya yon! Parang awa nyo na po pakawalan nyo ako. (Nagwawala)
Ilang beses ko bang sasabihin na wala akong kasalanan sa pagkamatay ng nanay ko. (Seryoso)
Isa pa nararapat lang naman sa kanya yon. HAHAHAHAHA
Alam nyo bang maraming beses niya akong pinahiya sa maraming tao, pinagtrabaho sa murang edad, binusalan ng mga masasakit na salita?!
(Aakto na parang ina) Ano ba yang ginagawa mo, puro na lang kapalpakan! Pwede bang kahit isang araw lang ay may matino kang gawin?
(Aakto na anak) Ma! Napapagod din naman ako! Pwede bang kahit isang araw din lang maranasan kong makapagpahinga sa pamilyang to?!
Hindi ko kasalanang lumaki kami sa hirap subalit bakit ako ang nagbabayad ng lahat ng yon?
Bakit ako ang nakakaranas ng dusa at paghihirap na dapat ay ginawan nila ng solusyon? (galit)
Bakit kailangang ako ang bumuhay sa aking mga kapatid na dapat ay sila? (paiyak)
Bawat araw iniisip ko, na may maganda naman sana akong buhay ngayon kung hindi sila ang naging daan para magkaganito ako!
Pero dahil bata pa lang, pinaranas na nilang humawak ako ng mabigat na pala, kasimbigat ng responsibilidad na inatang sa’kin!
Bata pa lang ay makakapal na ang kalyo sa palad subalit ang sahod ay kakarampot pa rin!
Sa tingin nyo ba’y narito ako sa kalagayan kong ito at tumatayong walang kabuluhan?
Bakit? Bakit? Kasalanan ko bang maging mahirap?!
Hindi ko kasalanang bata pa lamang ay namulat na ako sa reyalidad.
Reyalidad na ayos lang kahit bata ka pa lang na kumakapit sa patalim.
HAHAHAHAHAHA! Wag nyo akong husgahan! Dahil hindi ko naman ginustong magkaganito ako. HAHAHAHHAHA!
(Huhuhu) Inay… Oh aking mahal na ina! Namatay! Namatay! HAHAHAHAHA
Pinatay ko nga pala siya. HAHAHAHAHAHA!
Wag po! Wag po!
AHHH (binaril)
(Tatayo) HAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHA!
(Magugulat) teka, nasan ako? HAHAHA!
Anong lugar to? Bangungot lang pala!
Sanggunian ng Larawan:
https://www.cleanpng.com/png-question-mark-clip-art-powerpoint-animation-micros-7252701/
No comments:
Post a Comment