Minahal kita sa maling panahon,
Inibig ka sa maling pagkakataon
Inisip na tama subalit nalinlang ng mundo,
Akala ko na'y ikaw subalit ako'y nabigo.
Ginawang inspirasyon sa maling paraan,
Inibig nang lubos ng walang pag-aalinlangan, Ginawang langit ang lupa kahit na imposible, Inabot ang tala, nahibang sa pag-ibig.
Sa nagdaang taon ikaw ang naging kaulayaw, Kandili mo'y hinahanap at nagbabalik-tanaw.
Ikaw na sa aki'y naging mahalaga nang lubos, Subalit nawala pa at biglang natapos.
Lumulutang na tila ibon sa himpapawid
Inaalala mga gunita sa di malimot na pag-ibig. Nasasaktan, naguguluhan bakit nawala pa,
Kaytagal na subalit sariwa parin sa aking gunita.
Nahihibang na sa kaiisip, Sinta ako'y patawarin, Pagkat ang nais ng puso'y laging ikaw ay kapiling. Pilitin mang limutin ka wala na ring magagawa, Sapagkat itong nararamdaman ay di'na kayang mabura.
Sawimpalad ba ang tawag sa pag-ibig ko?
O talagang hindi para sa'kin pagkat maling panahon 'to?
Oo nga't naging mapusok, puso ko'y nakalimot, Subalit maaari bang ikaw pa rin kung muling sumubok?
Napanghihinaan ng loob na alalahanin ang nakaraan,
Subalit nais ka paring makapiling kahit may agam-agam.
Walang patid na pangungulila at paghihintay sa'yo,
Kinukubli ang nararamdaman subalit kalungkutan ang nararanasan.
Sanggunian ng Larawan:
https://www.prisonfellowship.org/resources/training-resources/in-prison/faq-jail-prison/
No comments:
Post a Comment