Isang gabing madilim, nang makaidlip sa isang sulok ng silid ang hamak na katauhan, ginambala ng antok at pagod sa buong maghapong nagdaan. Ilan pang sandali, sa nakaririnding katahimikan ay naalimpungatan ang natutulog na diwa ng marahas na mga galaw ng kamay sa katawan ng katauhan sa biglang pagpatong ng animo'y isang nilalang. Tinatanong ang sarili kung sino ba ang nilalang na iyon, kung paano nakapasok sa silid at bakit niya ginagawa ang bagay na hindi makatuwiran at tila ba'y wala sa wastong pag-iisip. Subalit sa pagdaan ng mga segundo tila ba'y nagiging marahas ang kanyang mga galaw. Walang puknat na paghawak sa maselang bahagi ng kaselanan, animo'y gutom na mabangis na hayop na handang managpang ng walang patid.
Humahagod sa kabuuan ng katauhan at sinasamsam ang kabirhenan. Pinipilit na abutin ang rurok ng tagumpay at inaabuso ang kahinaan, hindi makakilos 'pagkat nakakulong sa mga bisig na batak sa kamundohan.
"Walang hiya ka, anong ginagawa mo sa'kin, bastos! Manyak!". Sitwasyong nais kalimutan subalit pilit na ipinapaalala ng panahon. Walang awa, nakapandidiring tagpo, nakasusulasok na pangyayari, walang patid sa paghikbi at paghihinagpis, nakakakilabot balikan ang kapanglawan ng nakaraan sa gabing malamig na hindi inaasahan at 'di inaasam pang balikan. Ang takot na bumalot sa nananahimik na katauhan.
Sanggunian ng Larawan:
https://punchng.com/indian-women-seek-to-criminalise-marital-rape/?amp
No comments:
Post a Comment