Sunday, November 3, 2024

ANO NGA BA ANG TOTOO?

Umamin,

Usaling iniibig bagaman may agam-agam sa damdamin, 

Hindi sigurado pagkat may hinihintay kang Ginoo Ayaw masaktan subalit paano bang maiiwasan.


Magmahal,

Lubusang magmahal na handang sumugal, Pakitaan at sabihan ng salitang tila ba'y matamis na dasal 

Ayaw umasa datapwat ang puso'y patuloy paring hinihintay ka.


Lumisan, 

Lisanin ang mundo at magpakalayo-layo, 

Awatin ang sarili sa pagkahibang sa'yo 

Piliting ipaunawa sa sarili na walang matatamo, Kun'di sakit at pangungulila na hatid ng pag-ibig ko.


Ano nga ba ang totoo?

Ang umamin kang ako'y iniibig mo? 

Ang mahalin ka kahit 'di sigurado?

O ang lumisan na lamang kahit masakit na maranasan ito?


Hindi malaman ang sagot, pagsisisi ang hatid 

Hindi magawang masabi na ika'y totoong iniibig. 

Akala lang ay hibang subalit sinisikap ipabatid, 

Na totoo ang lahat simula ng tayo'y magkaniig.


Ngayong wala kana dito sa piling ko, 

Pinipilit paring labanan ang hinagpis sa paglisan mo, 

Lumisan ng walang pasabi at pagaalinlangan Ngayo'y 'di parin matukoy kung ako ba'y totoong minahal.


Aasa?

Ang puso pa ba'y aasa na maalimpungatang kapiling ka? 

Hindi na,

Nakapandudurog ng puso ang huling tagpong makita ka.


Sangguian ng Larawan:

https://www.istockphoto.com/photos/question-mark-heart

No comments:

Post a Comment

PASKONG WALANG SAYA