YUMAYAPOS
ANG TAKIPSILIM
Genoveva Edroza Matute
Kay
Lydia niya mang narinig ang balita.
‘la,
ang sabi ni Lydia na komandong sa kanya at pinagdaop ang mga palad sa kanyang
batok, aalis ka na nga ba rito ‘la?
Aalis
ako? Aba, saan ako pupunta? Ang taong niyang may kahalong tawa. Di na nga 'ko
makakilos e-diyantreng rayuma to! Aalis pa ko?
Ayan!
Ayan! Tuwang-tuwa si Lydia. Inalis ang pagkakadaop ng mga palad sa batok ng
Lola at pumalakpak. Sabi na nga ba, di ka pupunta kina Odet!
Ang
tawang nagpalabas sa mga gilagid na wala nang ngipin ay unti-unting natikom,
kasabay ng panlilit ng mga matang umaaninag sa mukha ng apo.
Batang
ire, kung saan-saan kinukuha ang pingsasabi. Saan mob a nahagilap iyan? Pa'no
'ko pupunta kina Odet- ni hindi ko alam kung saan nakatira iyon? Dadalawang
beses kong nakikkita sa...ku... kung ga'no na katagal na panahon. Ngunit, hindi
na makikinig sa kanya si Lydia. Ito'y matuling bumaba buhat sa kanyang
kandungan sa unang ingit ng pinto na nagpastungaw sa magandang ina nito.
Lydia,
ang tawag ng mgandang Carmen. Ang tinig na dumating sa pakinig ng Lola ay hindi
marahas, hindi galit. Malamig. Malamig. Ang magandang si Carmen ay aral sa
kolehiyo. Kalian ma'y hindi niya narinig ang tinig nitong naging marahas, ni
galit. Malamig lamang. Malamig. Si Lydia ay mabilis na lumabas sa kusina.
Sumunod ang ina nito. Mula sa upuang may-pagulong ay tinanaw ng matanda ang
mag-ina.
Sinasabong
mabuti ng magandang si Carmen ang mga bisig at kamay ni Lydia.
Sa kanyang
panganay niya narinig na muli ang balita.
Inay,
ang marahang sabi ni Ramon, gustong-gusto kayaong makuha ni Rey- sabik na sabik
daw sa Lola ang anak niyang si Odet. Kung iisipin nga naman, halos hindi kayo
nakikilala ng mga apo niyo sa anak ni yong bunso. May marahang tawang walang
taginting ang kasabay ng sinabibg iyon ni Ramon. Sabi ko nga'y hindi kami
papaya ni Carmen na makuha kayo ng kapatid kong iyon, pero…
"ba,
ayoko ro'n. Sabi mo nga, ni hindi kami halos nagkakilala ng mga apo ko-maski
manugang ko-kay Rey...
…pero,
ang patuloy ni Ramon... baka naman magdamdam si Rey. Sabi ko na lang payag kami
ni Carmen...na magbakasyon kayo roon.
Mailap
ang mga paningin ni Ramon. Umiiwas sa kulu-kulubot na mukhang nakataas sa
kanya, sa mga nanlalabong matang umaaninag sa kanya.
Magbabakasyon
ako... sa bahay... ng aking bunso? Buong kupad na gumapang sa kanyang isipan
ang narinig na iyon sa kanyang panganay. Hinaplus-haplos ng butuhan niyang
kamay ang buhok niyang simputing pilak. Bakasyon nga ba ang sinabi ng aking
panganay? Kina Rey? Saan nga ba nakatira ang aking bunso? Ano nga ang pangalan
ng napangasawa niya? Si Odet ay apo ko yata sa aking bunsong anak. Hindi ko
maalala ang mukha. A, iba si Lydia. Kilala ko si Lydia. Bunso ng aking
panganay. Maganda ang kanyang ina. Sinasabong mabuti ang mga kamay ni Lydia.
Bakit kaya? Talaga bang dadalawa ang aking mga anak? Matagal nang namatay ang
kanilang ama.
Ina'y,
nakikinig ba kayo? Nangibabaw ang tinig ni Ramon sa sali-salimuot na isipang
buong kupad na gumagapang sa kanyang utak. Bakit ba padalas nang padalas na
nagsasali-salimuot nang gayon ang iba't ibang isipan sa kanyang ulo? Noong
bata-bata pa siya... Kung mauna ako sa iyo'y huwag mong gaanong damdamin: may
dalawa ka namang anak.
Mabigat
ang kamay na pumatong sa kanyang balikat. Napag usapan na naming ni Carmen ang
bagay na ito, Inay. Nagkasundo kami na paghigyan ang gusto ni Rey.
Ngayon
ay lumiliwanag nang bahagya ang kanyang isipan. Magbabakasyon ba 'ka mo ako
kina Rey? Hinagilap ng nanlalabo niyang paningin ang mukhang kangina'y
nakatunghay sa kanya, nguni't nag-iisa na siya. Laiminga-linga siya. Talagang
nag-iisa na siya. Pinagulong niya ang kanyang upuan hanggang sa may pinto.
Pinihit niya ang hawakan. Hindi natinag ang pinto. Nanatili sa pagkakapinid.
Sa kabila
ng napinid na pinto'y naulinigan niya ang tinig ni Ramon. Malakas. Ngunit hindi
malinaw ang mga salitang hinahadlangan ng makapal na pinto. Naulinigan niyang
bahagyang-bahagya ang tinig ni Carmen. Marahan. Hindi galit. Malamig. Naglagos
sa pinid na pinto ang kalamigan ng tinig na niyon.
Inaantok
siya sa pakikinig sa mga tinig na iyon. Bakit ba padalas nang padalas ang
pag-aanto niya kahit araw? Sindalas ng pagsasali-salimuot ng iba't ibang isipan
sa kanyang utak na pabagal nang pabagal sa pag-unawa sa ano mang sabihin sa
kanya ni Ramon. Ni Lydia. Ng mga utusan. Matagal na siyang hindi, kinakausap ng
magandang si Carmen.
Kaalinsabay
ng pag-aantok niya ang padsasali-salimuot ng iba't ibang isipan. Isipan nga ba
o alaala? Alaala nga ba o guniguni?
Dadalawa
naman ang ating anak. Ang tinig ay humahakdaw sa maraming taon. Nagbabalik sa
kanya sa buong kabaitan niyon. Sa buong pagmamahal niyon. Napagtapos na natin
silang dalawa ng karera. Makapagsisismula na sila sa tulong ng kanilang
pagsisikap. Tayo naman ay maglibut-libot-hanggang Mindanaw man lamang, hanggang
Ilokos. Makita man lamang natin ang sariling bayan bago tayo mamatay.
Taong
ito, pasasaan bang hindi natin magagawa jyan-alam mong gustong-gusto ko iyan.
Ngunit kailangan pa nila tayo.
Aba, masama
naman yatang ibigay na natin sa kanila ang lahat ng kanilang kailangan ubusin
nang lahat sa kanila ang natitira pa sa kaunti nating natipon. Aba, baka naman
mangaging masyadong makasarili ang mga iyan... Ang tinig na iyon, sa buong
kabaitan niyon, sa buong pagmamahal niyon, ay ginapangan ng manipis na ulap ng
pag- aalinlangan. Ngunit ito'y mabilis na pinawi ng nkasisilaw na liwanag ng
kanyang pananalig.
Taong
ito, ang dalawa kong bunso, maging makasarili? Hindi mo nga pala sila
nakikilala- gaya nang pagkakilala ko!
Una muna
si Ramon. Malaking bahagi ng kanilang tinipon ang nagpapatayo ng isang magarang
bupete para rito. Kagarang umakit ng magagarang kliyente, ng mga usapin ng
maseselang na damdamin ng maseselang na tao na naghatid ng tagumpay, ng kolehiyala't
magandangsi Carmen.
Sumunod
si Rey. Ang nalalabi pa sa kanilang tinipon ang nag-akyat kay Rey sa lipunang
kinatagpuan sa isang tagapagmanang taga-Timog.
Kinabukasan
ng kasalan, ang tinig na iyo'y nagbalik sa katahimikang pinagmulan. Isang
sakuna ang sumakmal at kumitil nang panghabang-panahon, sa tinig na iyon at sa
marupok na pangarap ng dapithapon ng buhay.
Huwag
na kayong umiyak, Inay ay tinig ni Ramon. Sa amin kayo titira. Mabait si
Carmen, at malapit na kayong magkaapo...
Apo!
Mga apo? Mararahang yabag, mga yabag na di-nakakatiyak sa pangangabay...
mabilis na paa sa pagtakbo matitinis na tinig
Ang
bola ko!... I-i-i-i-i-i-i-i-iiiiiiit... Saglit na katahimikang sümabog sa
matinis na sigaw ng maraming tinig
Ano
iyon? Tuminag ang Lola sa upuang may-pagulong, sa saglit ng kanyang
pagkakalimot. O pagkakatulog? O pangngarap?
Lumalapit
sa kanya si Tinay, ang utusan. May tabgabg kutsarita ng gamut at isang basong
tubig.
Lula,
mag-inum na ikaw sa gamut-para d'yan sa iyu na balat. U, mag-intum ikaw agad sa
tubig- masyadu'ng mapait n'yan, anti? Sinipat Tinay ang namamalikaskas na balat
sa mga bisig ng matanda. Pur bida, baka magi na matanda sa akon ganyan din sang
balat ku? Tumawa si Tinay. Ngunit bago iyon lumabas ay kinuwentuhan muna siya.
Lula,
magdating na nämän säng Mistir at Misis Valli.
Sino?
Sang
Misis, 'yung kumadri sang Niyura Carmin-yung magsabi pag magkita ka, parang
magkita rin sang nanay niyang mamatay. Magsabi pa nga, magsuwirti sang Lydia,
mi lula-sang anak n'ya, ala...
A,
iyon ba?
Lumabas
si Tinay, dala ang kutsarita at ang hasong wala nang laman. Ipininid na muli
ang pinto. Buhat sa kabilang silid ay wala na ang taginting ng malakas na tinig
ni Ramon. Wala na ang malamig na tinig ni Carmen.
Umaambun-ambon
nang hapong pumasok sa malakit lumalangit-ngit na pinto sa harap ang awto ni
Rey. Si Tinay, ang utusan, ang nagsabi sa kanya kung sino ang dumating
Sang
Lula naman, ang natawang sabi ni Tinay. Sinu gid bisita ang magtanting mu? Sang
Mistir Riy yun a! Iyu na anak, di mu man kilala? Pur bida! Muling, tumawa si
Tinay.
May
kung anong biglang umawit sa kalooban ng matanda. Sumayaw. Nagningning.
Inaninag ng kanyang mga nanlalabong paningin ang matangkad at matipunong
katawang tuloy-tuloy sa salas. Banaag ng araw na nagdaan sa kanyang pagmalas
ang mukhang yaong kapilas ng sa amang nag-alala nang gayon na lamang sa
kanya-kung sakali't mauna iyong angkinin ng kamatayan.
Simbilis
ng alaala ang pagpapagulong niya ng upuan, patungo sa pinasukan ng kanyang
bunso. Alaala ng tinig na iyong mabait at mapagmahal: Hu, ikaw ba naman mas
mahal mo ang bunso mong iyan kaysa panganay. At ang tinig niya sa pagsagot:
Taong ito-gaya mob a, may paborito? Kung hindi pa halatang-halata ang pagkiling
mo sa panganay mong iyan!
Ang
tinig niya ngayo'y humahakdaw sa kalawakan, sa buhay at kamatayan, at ngayo'y
sinasabi niya sa ama ng magkapatid: Nakita ha - wala kang dapat alalahanin,
mauna ka man sa akin. Kukunin na ako ngayon n gating bunso. Isasama ako sa
bahay nila sa Timog. Taong ito-nag-aalala nang walang dahilan....
Talagang
itutuloy niya ang pagpapagulong ng upuan hanggang sa pinasukan ng kanyang
bunso. Sabik na sabik ang butuhan niyang mga kamay na makasalat sa mukhang
iyong kapilas ng sa kanyang kabiyak, ang nanlalabo niyang paningin na umaaninag
sa kabutan niyong kinalungkalong sa bata niyang dibdibnoong araw.
Sa may
pinto'y ipinatda siya ng malakas na tinig ng kanyang panganay at ng kanyang
bunso. Nahinto ang paggulong ng kanyang upuan, kasabay ng pagtigil ng pag-inog
ng kanyang daigdig.
Habang
panahon yatang kami ang nagpasan diyan. Ngayon namang ikaw ang dapat, marami ka
riyang idinadahilan...
A,
ngayong hindi na niyo pinakikiknabangan, ano? Saka sinabi ko na sa iyo,
magra-round-the-world kami.... paano?
Sumunod
ang tinig ng magandang si Carmen. Malamig na tinig na hindi niya maunawaan ang
sinasabi. Malamig na tinig na nanuot nang malalim sa kanyang mga buto.
Sinlamig
ng patak ng ambong kumupkop sa kanya sa marahang paggtulong ng kanyang upuan sa
terraza. Sinlamig ng takipsilim na yumayapos sa batuhan niyang katawan.
Si
Tinay, ang utusan, ang nakatagpo sa kanya sa terraza.
Naku, sang matanda na ari
bakit ba magbasa ikaw sang ulan? Halika sang luub. Anu nang ibulung mu-Misis
Valli.. Misis Valli... Misis Valli... Naku, siguro mag-ulianang talaga sang
Lula. Halika sang luub....
BUOD
Ang
kwentong ito ay umiikot sa kwento ng isang matandang ina na nakatira sa bahay
ng kanyang anak na si Ramon at ng kanyang manugang na si Carmen. Sa kabila ng
kanyang tahimik na pamumuhay, nararamdaman niyang tila hindi siya tanggap sa
loob ng tahanan. Ang malamig na pakikitungo sa kanya ay nagdadala ng lungkot at
pangamba na baka siya’y itinuturing nang pabigat ng kanyang pamilya.
Sa
bawat araw na lumilipas, lalo niyang nararamdaman ang paglayo ng loob ng
kanyang anak at manugang. Isang araw, nagkaroon ng pag-uusap sina Ramon at
Carmen. Napag-usapan nila ang plano na ipadala ang matanda sa isa pang anak, si
Rey. Para bang isa siyang bagay na basta na lamang ipapasa sa iba upang
mabawasan ang kanilang responsibilidad. Nang dumating si Rey, napansin din ng
matanda ang kawalan ng interes nito sa kanya. Sa halip na kalinga at
pag-aaruga, ramdam niya ang malamig na pagtrato at kawalan ng malasakit.
Habang
nakaupo siya sa terasa, pinapanood niya ang paglubog ng araw. Unti-unti niyang
naunawaan ang reyalidad ng kanyang sitwasyon: ang takipsilim na kanyang
pinagmamasdan ay sumasalamin sa unti-unting paglalaho ng kanyang halaga sa
mundo ng kanyang pamilya. Napuno siya ng lungkot at pag-iisa, tanong sa kanyang
sarili kung ito ba ang kapalit ng lahat ng sakripisyong ginawa niya para sa
kanyang mga anak.
Ang
kwento ay isang masakit na paalala sa mambabasa tungkol sa madalas na
nangyayaring kapabayaan sa mga matatanda sa lipunan. Ito’y nagbibigay-diin sa
kahalagahan ng pagbibigay ng pagmamahal at respeto sa ating mga magulang, lalo
na sa kanilang pagtanda, bilang pasasalamat sa kanilang mga sakripisyo at
pagmamahal noong tayo’y bata pa.
PAGSUSURI
I.
Uri
· Kwento
ng Tauhan
II.
Pamagat
· Yumayapos
ang Takipsilim
III.
Nilalaman
a. Tauhan
·
Lola – Matanda, mapag-isa, at
may kahirapan sa pagtanda. Siya ang pangunahing tauhan na puno ng alaala at
salimuot ng damdamin.
· Ramon
– Panganay
na anak, abala at tila alanganin sa pag-aalaga sa kanyang ina.
·
Rey – Bunsong anak na may
intensyong kunin ang ina ngunit tila hindi ganap ang malasakit.
· Carmen
– Asawa
ni Ramon, may malamig na pakikitungo sa matanda.
·
Lydia – Apo na malapit sa lola,
nagpapakita ng kaunting kasiyahan at koneksyon sa kanya.
·
Tinay – Utusan na nagbibigay ng
gamot sa lola, isang tagapagmasid sa kalagayan nito.
b. Tagpuan
· Bahay
nina Ramon at Carmen – Isang lugar na malamig hindi lamang sa
temperatura, kundi sa pakikitungo sa matanda.
· Terasa –
Kung saan nagtapos ang kwento, isang simbolikong lugar ng paghihiwalay ng lola
sa kanyang pamilya.
c. Galaw
ng Pangyayari
d. Pangunahing
Pangyayari - Sa mga unang tagpo, makikita si Lydia, ang apo
ng matanda, na dinala ang balita sa kanyang lola na maaaring lumipat ito sa
bahay ni Rey, ang bunsong anak. Sa simpleng balitang iyon, napansin ni Lydia
ang pagliwanag ng mukha ng kanyang lola ay tila nagkaroon ng kaunting pag-asa.
Gayunpaman, sa kabila ng tuwa, mararamdaman ang agam-agam ng matanda. Hindi
niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa bagong tahanan.
e. Pasidhi
o Pataas na Pangyayari - Habang nag-uusap ang pamilya, sinimulan ni
Ramon ang seryosong usapan ukol sa plano ng paglipat ng kanilang ina sa bahay
ni Rey. Sa gitna ng usapan, makikita ang tila pagkabahala ng matanda, hindi
siya nakikialam ngunit naririnig niya ang lahat. Sa bawat salitang binibitawan
ni Ramon at Carmen, nararamdaman niya ang bigat ng kanilang pagpapasya. Ang
bawat kataga ay tila isang paalala na hindi na siya bahagi ng buhay nila, kundi
isang responsibilidad na kailangang ipasa sa iba.
f. Karurukan
o Kasukdulan - Dumating si Rey ngunit imbes na salubungin
ang kanyang ina, nagkulong ito sa isang silid kasama ang kanyang kuya Ramon. Sa
likod ng pinto, narinig ng matanda ang malamig na usapan ng kanyang mga anak, walang
pagmamalasakit at puro reklamo. Habang naririnig niya ang usapan, tila bawat
salita’y tumutusok sa kanyang puso. Hindi niya inakalang ganito siya magiging
pabigat sa kanyang mga anak. Pilit niyang inalala ang mga panahong sila’y
maliliit pa, kung kailan inialay niya ang lahat para sa kanila, ngunit ngayon,
tila wala nang bakas ng pagmamahal o pasasalamat.
g. Kakalasan
o Pababang Aksyon - Pagkatapos ng mainit na diskusyon, bumalik
si Ramon upang kausapin ang ina. Ngunit imbes na ipaliwanag ang kanilang plano,
malamig ang naging tono nito. Sa mga titig ni Ramon, mababakas ang pangungutya
at pagod. Ang matanda, sa kabila ng bigat ng loob, ay tahimik na umupo pabalik
sa kanyang upuan. Alam niyang wala na siyang magagawa. Hindi niya kayang
ipaglaban ang sarili sa harap ng sariling mga anak.
h. Wakas - Sa
huli, nakita si Tinay na nag-aabot ng tasa ng tsaa sa matanda. Habang hawak ang
tasa, tila nawalan ng gana ang matanda. Sa kanyang isip, iniisip niya kung ito
na ba ang huling takipsilim na kanyang masasaksihan. Umupo siya sa terrace,
habang pinapanood ang dahan-dahang paglubog ng araw. Ang takipsilim ay
yumayapos sa kanya at tila ba’y malamig, tahimik, at puno ng lungkot. Sa huli,
wala siyang ibang nais kundi ang makaramdam ng init mula sa isang yakap, ngunit
ang yakap na natanggap niya ay mula sa malamig na hangin ng dapithapon.
IV.
Taglay na Bisa
·
Bisang Pangkaisipan
Sa aking pagbabasa ng kwento,
hindi ko naiwasang mag-isip at magtanong, "Ganito rin kaya ang magiging
kwento ng buhay ko kapag ako'y tumanda?"Parang binibigyan ko ang kwento ng
salamin upang makita ang repleksiyon ng lipunan, kung paano natin tratuhin ang
ating mga magulang o nakatatanda. Nagtuturo ito sa atin na ang pagtanda ay
isang proseso na hindi natin dapat takasan, ngunit kailangan din nating
paghandaan ang emosyonal na aspeto nito. Kung hindi natin maibibigay ang
pagmamahal at respeto sa ating mga magulang ngayon, paano natin ito maaasahan
mula sa ating sariling mga anak? Iyan ang mga katanungang tumatak sa aking
isipan patungkol sa aking nabasa at nagigay mensahe sa akin bilang isang apo ng
aking lola.
· Bisang
Pangdamdamin
Ang kwento ay parang isang
matagal na yakap, hindi masaya at maligaya, kundi masakit at mahigpit. Sa bawat
linya ay dama ko ang kalungkutan ng matanda, na parang ak mismo ang
nakararamdam ng malamig na trato ng kanyang pamilya. Mapapaisip ka rin kung
paano ako tumugon sa mga nakatatanda sa akin buhay, kung napapansin ba natin ang
kanilang pangungulila, o kung naging bahagi ka rin ba ng malamig na pagtrato sa
kanila. Habang ito ay aking binabasa, mahirap pigilan ang mga luhang
dahan-dahang bumabagsak, lalo na sa wakas ng kwento kung saan wala nang ibang
natira sa matanda kundi ang lamig ng hangin at ang unti-unting pagbalot ng
dilim.
·
Bisang Pangkaasalan
Pagkatapos kong basahin ang
kwento ay hindi ko rin maiwasang tanungin ang aking sarili kung "Paano ko
ba pinapahalagahan ang mga nakatatanda sa pamilya ko?" Mahirap tanggapin,
ngunit minsan, kung sino pa ang pinakamahalaga sa ating mga buhay ay sila pa
ang hindi natin nabibigyan ng sapat na atensyon, ang ating mga magulang, ang
mga taong nag-alaga sa atin mula pagkabata. Ang kwento ay parang kurot sa puso
na nagpapaalala sa atin na ang pagkalinga at pagmamahal ay hindi dapat magtapos
dahil lamang sa pagtanda.
V.
Kamalayang Panlipunan
Ang kwento ito ay isang mapanlikhang
komentaryo sa kultura ng pamilya at pananaw sa pagtanda. Ipinapakita nito ang
kakulangan ng empatiya at pagkalinga ng mga anak sa kanilang mga magulang kapag
sila’y matanda na. Ang malalamig na tinig ni Carmen, ang kawalang-pansin ni
Rey, at ang paimbabaw na malasakit ni Ramon ay larawan ng lipunang nakatuon sa
sarili.
VI.
Teoryang Pampanitikan
· Teoryang
Realismo - Ang kwento’y nagpapakita ng makatotohanang
larawan ng kalagayan ng maraming matatanda sa lipunang Pilipino, kung saan,
sila ay madalas na napapabayaan at nakararanas ng kawalan ng halaga mula sa
sariling pamilya.
· Teoryang
Feminismo - Bagamat hindi direktang tumatalakay sa isyu ng
kasarian, nagbibigay ang kwento ng pagninilay sa papel ng kababaihan bilang
tagapag-alaga ng pamilya at ang kanilang makakalimutin sa kanilang pagtanda.
· Teoryang
Eksistensiyalismo - Binibigyang-diin ng kwento ang pakikibaka ng
matanda sa paghahanap ng kahulugan sa kanyang buhay sa gitna ng malamig na
pagtrato ng pamilya.